Ang Independence Day ay araw ng pagdiriwang natin sa ating pambansang kalayaan – ang ika-sandaan at sampo na pagdiriwang (1898) ng kalayaan sa pagiging colony ng Espanya. Kasama na rin ngayong panahong ito ang kalayaan natin sa pagkakasakup ng iba pang mga dayuhang bansa tulad ng mga Hapones at mga Amerikano. Dahil dito nabibilang na ang ating bansa sa Kapunungan ng Malalayang Bansa o (United Nations).
Sa context ng pambansang kalayaan dapat maitanong natin ang tungkol sa pantaong kalayaan – human freedom. – Ang ating bansa ay malaya sa control ng mga dayuhang bansa, pero ang mga mamamayan naman ay alipin ng kahirapan, o crisis, tulad ng food crisis at gasoline crisis dahilan sa pagtaas ng presyo ng pagkain at gasoline. Ano pang uri ng pagka-alipin? Pagka-alipin dahilan sa homelessness, unemployment, lack of education o ignorance, health insecurity. Ang ating mga mamamayan ay alipin ng kapwa mamamayan dahil sa inhustisya at graft and corruption.
Magiging mas makatotohanan ang pagdiriwang ng araw ng kalayaan kung mapapalaya pa ng higit ang ating mga kababayan (kapuso at kapamilya) sa pagka-alipin dahil sa hunger, homelessness, unemployment, ignorance, sa pamamagitan ng mga “proyekto na pro-poor.”
Magandang panukala, halimbawa, ang hindi pagtataas ng mga tuition fee ngayong pasukan. Maganda ring panukala ang pagpapababa ng presyo ng mga gamut at pagsugpo sa mga nag ho-hoard ng bigas at sa mga illegal na pagpapataas ng presyo ng bilihin. Ang mga proyektong “pro-poor” ay mas makahulugang pagdiriwang sa Araw ng Kalayaan – araw ng pagpapalaya sa ating mga mamamayan sa pang aalipin ng kapwa.
Dapat ang maging kasabihan “kapwa ko, mahal ko.”
Ang advocacy namin ay ang extension ng Comprehensive Agrarian Reform Program na may kasamang reporma at support-systems para sa mga magsasaka.
Sumasang-ayon din kami sa panukala na suriin kung papaano pinagkagastusan ng CARP sa loob ng dalawampong taon, yung hinihingi na transparency at accountability sa mga disbursements of funds.
Sumasang-ayon kami sa mungkahi na i-extend ang CARP “in principle” pero hanggat hindi handa na isakatuparan ang reporma at suportang pantulong sa mga magsasaka ay hindi muna palabasin ang pondo para sa extended CARP. Baka mangyari ay nagastos na ang pondo ay hindi pa natutupad ang CARP.
Dapat bigyan natin ang mga magsasaka ng tumpak at angkop na kalayaan, upang hindi magpatuloy ang kanilang kahirapan at pagkakatali sa lupang binubungkal.
+ANGEL N. LAGDAMEO
Archbishop of Jaro
CBCP President
Thursday, June 12, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment