Tuesday, October 16, 2007

CASH GIFTS OR BRIBES?

“The more people and social groups strive to resolve social problems according to the truth, the more they distance themselves from abuses and act in accordance with the objective demands of truth…The unscrupulous use of money raises ever more pressing questions, which necessarily call for greater transparency and honesty in personal and social activity” (Compendium of the Social Doctrine of the Church, No. 198).

In the News too many question marks surround the recent distribution of 500,000 pesos each to governors among whom, appearing like a hero, is Pampanga Governor Ed Panlilio. What was the purpose of the cash gifts? Where did they come from? Who was the personal source of the cash? Were they for local government projects? Were they for the forthcoming Barangay Elections? Why were they distributed only to pro-administration local officials? Why not also to the opposition? Who ultimately will profit from these cash gifts? Are they really gifts or bribes?

The unscrupulous use of money raises ever more pressing questions, which necessarily call for greater transparency and honesty in personal and social activity” (Compendium of the Social Doctrine of the Church, No. 198).

Bribery is not an acceptable word even to culprits: so, it is better called “gifts.” And so, in order to feel good and escape the blame of conscience, …bribe is also called a “gift.”

With this sort of thing happening, our country is not only suffering from economic bankruptcy but also moral bankruptcy, disappointingly being shown by our leaders. We are very much concerned with our youth who are looking at our leaders for models in honesty, integrity, and transparency.

From the moral standpoint, one should not accept money about which questions can be asked because it renders responsibility, accountability, and transparency a dubious subject matter.

I encourage and support the plan of our respectable senators to make the appropriate inquiry on the matter of distributing said cash gifts.

+ANGEL N. LAGDAMEO, DD
Archbishop of Jaro
October 16, 2007


----------------------------

REGALO O SUHOL?

Sa patuloy ng pagdami ng mga mamamayan at mga samahang naglalayong malutas ang mga suliranin ng lipunan ayon sa katotohanan, higit silang lumalayo sa mga pag-abuso at kumikilos ng naaayon sa pangangailangan ng katotohanan. Ang walang pakundangang paggamit ng salapi ang siyang nagiging dahilan ng mas maraming mga katanungan, na mangangailangang magkaroon ng katapatan sa larangang pangsarili’t panglipunan. (COMPENDIUM OF THE SOCIAL DOCTRINE OF THE CHURCH, No. 198.)

Mas maraming mga katanungang nagmula sa naganap na pamamahagi ng tig-kakalahating milyong piso sa mga gobernador, na kinabibilangan ng lumalabas na bayaning si Gobernador Ed Panlilio ng Pampanga. Ano ang layunin ng ipinamahaging salapi? Saan ito nanggaling? Sino ang pinagmulan ng salapi? Ang salapi bang ito’y para sa mga proyekto ng mga pamahalaang lokal? Ito ba’y para sa nalalapit na halalang pambarangay? Bakit mga kapanalig lamang ng administrasyon ang nabiyayaan? Bakit hindi naabutan ang mga mula sa oposisyon? Sino nga ba ang makikinabang sa salaping ipinamahagi? Ito ba’y mga regalo o suhol?

“Ang walang pakundangang paggamit ng salapi ang nagiging dahilan ng mas maraming mga katanungan, na higit na mangangailangang magkaroon ng katapatan sa larangang pangsarili’t panglipunan. (Compendium of the Social Doctrine of the Church, No. 198).

Ang panunuhol ay katangang ‘di katanggap-tanggap kahit na sa mga salarin kaya’t mas makabubuting tawaging “ala-ala o regalo.” Kaya upang makahinga ng maluwag at mawala ang bagabag sa konsiyensya, ang suhol ay tinatagurian ding “ala-ala o regalo.”

Sa ganitong mga nagaganap, patuloy na naghihirap ang bansa sa kakulangan ng magandang kabuhayan at kawalan ng paggalang at pagkilala sa kung ano ang tama’t kung ano ang mali, na nakalulungkot na nakikitang kagagawan ng ating mga pinuno. Nababahala kami sa mga kabataang tumitingala sa mga pinuno ng bansa bilang mga huwaran sa katapatan, integridad at kalinisan.

Mula sa usaping moral, hindi marapat at lalo’ng hindi matuwid na tumanggap ng salapi nang hindi nasasagot ang mga katanungan hinggil sa responsibilidad, pananagutan at katapatang kaakibat ng kasalukuyang usapin.

Kailangang ituloy ang balak ng mga kagalang-galang na Senador na magsagawa ng pagsisiyasat sa pamamahagi ng salapi sa mga opisyal ng pamahalaan kamakailan.

ARSOBISPO ANGEL N. LAGDAMEO
Arsobispo ng Jaro
Ika-16 ng Oktubre, 2007

No comments: